Alimuom


Walang bahid ng pagtangis ang mga ulap.
Ang langit kung saan sila’y nakalapat,
‘sing kulay na ulit ng kupas mong maong
Ang kaninang malamig na hangi’y
bumalik nang muli sa dati nitong init
Sa unang tingin, tila hindi bumuhos ang ulan.
Ngunit kung ipipikit nang saglit ang mga mata,
mararamdaman mo ang bigat ng hangin,
maamoy mo ang alimuom.


Naalala ko ang sabi ng tita,
“Masama amuyin ang alimuom, balong!
Ika niya maaari ka raw mahilo, o magkakabag
o kung mamalas-malasin ka pa raw, magkakalagnat.

 

Ika-apat na ng Hunyo. Pagtapos ng ulan.
Sa susunod na bukas
papasok na akong muli sa eskwela.
“Kailangan kong kumayod, anak.
Kung hindi, wala kayong pangtuwisyon.
Pero Pa! Maamoy mo ang alimuom!
Ika ng tita, maaari kang mahilo, o magkakabag
o kung mamalas-malasin ka pa, magkakalagnat!

Alam kong may itinugon ka noon.
Bakas sa buka ng iyong mga labi.
Hindi ko alam kung narinig ko ba
o hindi ko lang maalala.

 

Ika-pito ng Agosto. Pagtapos ng ulan.
Labing-apat na taon ang nakalipas.
Ikatlong taon ko na sa Unibersidad.
Habang nakabilad sa tirik na araw,
hindi ko maiwasang maamoy ang alimuom.
Napabilang ako sa aking isip.
Ilang segundo kaya bago ako mahilo,
o magkakabag, o magkalagnat?

Nagbibilang ka rin ba, Papa?
Sa ilang daang beses na pag-ulan at pag-araw
na nasa labas ka’t nagtatrabaho?
Na nasa labas ka’t naaamoy ang alimuom?

 

Sana’y maging katulad mo ako.
Na hindi alintana ang alimuom.
Na hindi alintana ang mga panganib at hirap.
Na kahit sumpungin ng hilo o ng kabag
o kahit apuyin man ng lagnat,
Magtatrabaho’t magtatrabaho pa rin.
Bagama’t magkaiba man tayo ng ipinaglalaban,
Sa’yo, kami, at sa’kin, kayo,
Sana’y maging katulad mo ako.
Dahil, ano nga ulit ‘yung sinabi mo?
Noong limang taong gulang ako?
Malabo man ang pagkakaukit sa memorya,
pero sa pagkakaalala ko,

 

“Kapag hindi ako kumayod, anak
wala kayong pantuwisyon. Para sa inyo ito.
Kaya pabayaan mo na ang alimuom.

Advertisements

One thought on “Alimuom

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s